in

Harlene Bautista, nag-breakdown? RS Francisco — nataranta?!?!

It’s confirmed! Veteran film, television, and stage actor RS Francisco is now a vlogger as he opens the first quarter of 2024 with the launch of the RS Francisco Channel on his official YouTube platform.

Objective ng RS Francisco Channel ang maghatid ng good vibes sa mga YouTubers habang pinapakita ni RS ang lighter at more fun side ng kanyang buhay kasama ang kanyang tropa na kung tawagin niya ay mga ka-blessings.

First stop ni RS ngayong Good Friday ay ang milagrosong Padre Pio church sa Quezon City kasama ang kanyang kababata at matalik na kaibigan, ang beteranang aktres na si Harlene Bautista.

Dito nagpasalamat si RS sa mga biyayang ibinigay sa kanya ng Panginoon at kung paano gumalaw si Padre Pio sa kanyang buhay nung siya ay humarap sa matinding pagsubok nuong kung saan gumaling sa isang matinding karamdman ang kanyang mahal sa buhay sa di mapaliwanag na paraan.

At sa gitna ng kanilang pagbisita sa sikat na simabahan na kilala sa mga milagrong dulot nito, biglang napahinto si Harlene at halos di makagalaw at makahinga at bigla bigla na lamang itong humagulgol at di makausap.

Ano ang dahilan sa biglaan at di inaasahang pag-breakdown ni Harlene?

Ano ang matinding pagsubok na hinarap ni RS?

At bakit sobrang passionate si RS sa kanyang adbokasiyang palaganapin ang gratitude ng lahat sa isa’t-isa at lalong lalo na sa Diyos?

“Hindi ko ineexpect na sobra sobra akong mag-eenjoy dito sa pag-vlog,” says RS. “And I’m so happy and grateful to do this vlog with Harlene para sabay kami sa pag kalat sa spirit of gratitude. Kaya lang lukang luka ako sa breakdown ni Harlene, kinabahan ako at akala ko talaga hihimatayin siya.”

Lahat ng ito plus more sa Holy Week 2024 special ni RS Francisco — streaming for free this Good Friday, March 31, on the RS Francisco Channel on YouTube.

Kaya YouTubers unite! Let’s spread gratefulness, love, and blessings with RS Francisco — subscribe to https://youtube.com/@RSFranciscoOfficial?si=JaQ9AsvUQNie0m8t and be part of RS’ ka-blessing squad.

Written by dotdailydose

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Hop In an Egg-citing Easter at SM

World of Warships: Legends Arrives on Mobile