Fresh na fresh ang tawanan, chikahan, at mga istoryang buhay ng mga icons at legends ng bansa sa latest episode ng Korina Interviews this Sunday, November 17, 6pm on NET25.
Sa round na ito, walang iba kung di ang National Artist For Literature na si Ricky Lee ang makakakuwentuhan ng internationally accalaimed broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas.
Higit sa 150 na istorya na ang kanyang naisulat at kung isasapelikula ang buhay ni Ricky Lee, tiyak blockbuster ito sa takilya!
Ilang taon si Ricky nang siya ay maulila sa ina at sino ang nag-ampon sa kanya?
Ano ang naging pakiramdam niya nung siya ay inampon?
Ano ang kanyang unang naranasanan sa Maynila nung siya ay lumayas sa Daet, Camarines Norte para makipagsapalaran?
Totoo bang nag dildil siya ng asin dala ng matinding gutom?
At ano ang malagim niyang karanasan noong panahon ng Martial Law?
Sa dami ng pagbagsak at mga dagok niya sa buhay, namayagpag pa rin si Ricky Lee bilang manunulat hanggang hirangin siya as National Artist!
Alamin ang pambihirang kuwento ng buhay ni Ricky Lee on Korina Interviews, this Sunday on NET25.



597097 556160I always was interested in this subject and nonetheless am, regards for posting . 69574