Very emotional ang one-on-one interview ng award-winning broadcast-journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa beteranong aktor na si Tirso Cruz III sa susunod episode ng Korina Interviews this Sunday at 5:00 p.m. on Net25.
Makulay at nakaka-inspire ang life and career ni Tirso —- na kilala din bilang si “Pip” para sa kanyang mga tagahangga at mga kasamahan sa industriya.
Mula sa angkan ng mga kilalang mga musiko at artista, alam niyo ba sumalang na si Pip sa pelikula nung sanggol palang sya? Sumabak na sa isang bar bilang singer at gitarista sa edad na 13?! Naging pinakasikat na-loveteam sa buong Pilipinas na dekadwkada ang tinagal —- katambal ang Superstar na si Nora Aunor sa tambalang Guy & Pip? At, ika nga, the rest is history!
Ngunit sa likod ng kinang ng showbiz, may nakakadurog pusong pinag-daanan pala ang current FDCP Chairman na talaga namang binago ang kanyang buhay.
Tinamaan si Tirso ng cancer of the lungs at —- wow, tinalo niya ito. Paano?
Pero ang pinakamasakit ay ang pagpanaw ng kanyang panganay na anak dahil sa lymphoma, isang urinparin ng kanser. Namatay din ang kanyang kapatid dahil sa isang malagim aksidente.
“Madami akong pinagdaanan pero yung nangyari sa anak ko ang pinaka-masakit,” saad ni Tirso. “Anak dapat ang naglilibing sa magulang but it was the other way around. Sobrang sakit ng nangyari sa anak ko. Bakit nung ako ang nagkasakit, naligtas ako?”
“The pain never goes away, you just learn to live with it,” dagdag pa niya.
Get ready for one of the most emotionally-charged interviews of Korina with Tirso Cruz III and eavesdrop on this heartbreaking and exclusive this Sunday only on Korina Interviews pagkatapos ng romantic comedy na Goodwill.


