Weekend nanaman kaya sure ball na very very fresh ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday evening, Feb. 9, 6pm on Net25.
Certified hot topic ang pulitika dahil sa 2025 elections kaya dapat usisain ang mga kandidato.
Kaya naman ang mga makaka-chikahan ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas ay ang mga dating nasa mundo ng showbiz na sasabak sa mundo ng pulitika.
Marissa del Mar-Magsino at Davis Chua; Art Yap at Joy Ortega…from glitz and glamor to public service?
Ano ang alok nila sa publiko? At ano ang sagot nila sa maaanghang na tanong ni Koring?
Usapang showbiz at pulitika! Tutok na sa Korina Interviews pagkatapos ng romantic-comedy na Goodwill only on Net25